Friday, September 29, 2006

Busy-Busyhan Part II


Dahil may super typhoon Milenyo at wala dapat sanang pasok sa trabaho at dahil taga-US yung mga client namin... kahit bumabagyo andito kami sa office. At dahil wala pang kuryente ginagamit namin ngayon ang power supply lang ng Peak Tower. Sobrang init dahil di pinagana yung A/C! Feeling namin ay nilelechon na kami dito! So, kahit katatapos lang ng bagyo ay eto kami at kumakain ng ice cream at tinapay habang nanonood ng Charmed at nagpipicture-an.... :) Di rin naman kasi nakapagtawag yung ibang campaign dahil wala masyadong agents na pumasok dahil nga sa katatapos lamang na bagyo, at malamang ay binaha na yung iba, di makasakay or sadyang tinamad lang. Pero andito kami at nagsasaya! :)



ice cream monsters! mukhang inaantok/kagigising lang pero di mo aakalaing makakaubos ng isang tub ng ice cream!


Picture-an muna before we burrow on our seats...


Concentrate ang lahat sa panonood ng Charmed Season 1...



Habang kami ay nagcoconcentrate... si kuya Red concentrate din sa pagpipicture!

eto ang kabuuan ng aming busy-busyhan.... :D More busy-busyhan moments here...

1 comment:

Anonymous said...

aawww..apat kayo sa night shift dalawa lang kami sa morning..kumusta naman yun dvah?! huhu.. :(